What is RARE? Yun yung choice mo kung paano ang gusto mong luto sa karne. CHOZ! Chossing aside, RARE is uncommon, unfrequently occurring. Yiz nagdictionary pako para naman di ako mawrong dito. At rare nga itong pangyayaring ito, actually, parang ngayon lang talaga mangyayari ito. Never pa itong nangyari before. Ilang beses ko na ba nasabi yung word na nagyari??
Ito yung RARE na sinasabi ko:
It was my Aunt’s birthday, at sa dinami dami ng araw, saka pa nawalan ng current. Oh yes, meant to be. Candle-light dinner tuloy ang drama namin, kain sa labas habang pinapapak ng mga lalakeng lamok. Alam ko kasi chineck ko yan.
Andaming lafang. Under the sea ang peg kasi malapit ng ipalabas yung bagong show ng ABS. Yiz. Yan ang CUE family. Isang maliit na ang angkan dahil nagtitipid, puro tig-isa lang ang mga junakis.
Since brownout nga, puro blurred ako kuha mez. Naubos battery ko sa kakatest shot at nabawasan ang cellulite ko kakatakbo pagkatapos mai-set ang timer.
Ang konti ng angkan, kelangan ko na ata dagdagan! Humayo’t magpakarami sabi nga ni.. ewan, basta me nagsabi nun.
Natuwa lang ako, di sila sanay sa continuous shots! Nasisilaw sila sa flash. Buti nalang me i’m so sanay na kaya todo emote parin ako. Ite-train ko na dati yung pamangkin kong negra ang peg ngayon para habang maaga, handa na siya sa mga kakaharapin niya sa future.
After 10 years, wala paring kuryente. Haha. So nung naubusan na ng chika, at mejo late narin, tinapos namin ang gabi with a picture. 10 shots ulit. Sinadya ko talagang ganun para ako lang maganda. Hahaha.
From the 5 sibs, 3 have their own families na and two are single. Dun sa 3 na yun, tig isa lang ang anak, so basically, 3 lang kaming magpipinsan.
FIN.
<3lots,
A.