Welcome back Mr. Richmund Liban!

Habang busy ako sa nagsusulat, biglang may lalaking sumisilip sa door. Since fail ang eyes ko, at punong puno ng ka-blurryhan lang ang nasasight ko, diko naman pinapansin yung guy na yun. Pero andun parin siya, parang kumakaway! So I squinted my eyes (naks, squint talaga!) kasi for some reason, medyo nagcclear yung vision pag ganun pero wit nag epek, blurred parin talaga. So lumapit nalang ako, opened the door and boom! Si Richmund Liban lang pala yun! hahaha.

Richmund is a highschool barkada, and of all time and places, sa ospital ko pa siya makikita kasi nakaconfine yung baby niya. He’s just here for a vaycay. He is currently based at Saudi, works for an oil company (bonggels! kaya pala amoy gas xa! chos!) 

He invited us for dinner since aalis narin xa back to Manila the next day, at INUTUSAN niya pa akong magtawag ng iba. hahaha. Boss kita at utusan mo? Charaught! Ayun, so sabi niya sabihan ko daw yung iba. Nagkaproblema tuloy ako! Wala sakin contact numbers ng mga HS friends since nasira yung phone ko! Kung ako lang, yung mga becky friends ko nalang sana tatawagin ko! Pero baka naman later, magtaka siya, sino yang mga yan? Ang awkward maya nung dinner. Ang nilibre niya puro di niya kilala. :D

So I found a way to contact them. Wag nyo na itanong kung pano. Yung iba, andaling kausapin. Unang-unang tanong, SINO MAGBABAYAD? hahaha. Best in barat talaga mga HS friends ko. Lahat yun ang tanong, kung kaninong libre. Duh! Mageeffort pa ba akong magtawag kung KKB rin lang? 

IIlan lang nagconfirm, kasi mostly wala na dito sa Tugue.

Pagdating ko sa Roma, nawindang ako! Kaya minsan ayoko yung most punctual eh. Ang mga kasama ko, si JB and his wife and junak + Richmund and his wife! Ano ako dito yaya? hahaha. Sabi ko nalang… “eh mga FAAAAHMILY MAN pala kasama ko dito eh!” Nakakatuwa lang isipin na before, tong mga lalaking to yung mga walang kaseryo-seryoso sa mga babae. Now, may family na sila. WOW AH! CHANGED PERSON!

Mund and his wife Tin.

Jethro. JB

Ambilis naman tumanda nung ibang kabatch namin! Stressed siguro sila. hahahahaha

Si Bisngar, family man na talaga. 

Moment ni Kit2 the ghost employee! charaught!

With Manang Cate and Manang Kang

Group

Sino tong mga to? Anong section nila? Diko sila maalalang naging classmate ko!

Gow!

dumating si joan sakto lulutakan na yung lafang!

lafur galore

Ang brazo. Bow.

Our inaanak. :) Sorry ha, marami na kming utang. Tiis tiis ka muna at purita pa kmi

parang naglalakihan na mga fez namin

Di ko parin talaga kilala tong mga to. Uhm, anong section ba kayo ulit? CHos! Teachers ni mond yan nung college.

I wonder when’s the next treat! We should do this more often!

FIN.

<3lots,

A.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s