Aca-ganapan

Ferya

Parang walang asin at vetsin yung vlag ko about blessing. Pero ito na yung may magic sarap! Hahaha. During the blessing, tumawag si Anne. Nagsesermon na si father nun, at hindi pala nakasilent ang fone ko! So in the middle of the sermon biglang may kumakanta ng “Now she want a photo, you already know though, you only live once..” Abaaa! Siyempre takbo ang lola mo sa labas! Kaloka!

So nagtatanong sila kung where na me? Wala namang ganap, bet lang nila magbonding2. So sinabi ko na may blessing chuvaness ecklavut and sinabi ko nalang na susunod ako sakanila after. Ayun sumunod rin ako after a few. While deciding kung ano ba ang kembot that night, nanonood muna kami nung movie ni Bea at Sam. Yung baliw siya? Tas na deadsung ung husband niya. Basta yun, biglang napunta kami sa perya! hahaha. ang linaw ng kwento ko.

So sa perya, derecho kami dun sa hila2!

image

image

Nung medyo matumal na ang kita namin, lumipat kami.

image

Akala namin kikita kami dito pero..

image

Dinaya kami!!!!!! Dinaya talaga kami! Yung biglang inalog yung table tumigil tuloy ung bola! Grrrr. Pero di lang halata ditong nadaya kami, siyempre smile parin kasi may camera eh. Yang katabi ni Puffy jan, kakunchaba sa pandaraya! Naku naku kakaso namin kayo! May friend kaming kabagado (kabayow-abogado)!!!

image

Sa galit namin sa pangyayari, nagbaril-barilan nalang kami. hmp!

image

image

image

Sinubukan din namin yung tapon kaso FAIL. :(

image

Habang naglalakad, hindi ko ba alam kung anong pumasok sa isip namin..

image

image

Mag octopus kami! Hahahahaha. For the experience lang.

image

Super excited naman kami!

image

image

Naku naku naku! Umpisa lang yang mga ngiting yan noh! Charaughteras!

image

image

Trinatry talaga namin ung best para makapag pic kaming tatlo, at makuha si puff.

image

Di keri! Magsolo ka nalang nga!

image

image

Eto na, umaangat na! Mejo petix pa mga lola mo dito. May guts pang pumichur!

image

OA.

image

image

This is not a chos!

image

image

Xempre, during the real ride, nako day! Nakaka imbyernaugh parin pala! Alam mo yung sigaw ka ng sigaw, tas humahalak narin kasi wala ng pwersa ung sigaw! Nakakaloka. Ewan ko ba kung bakit pa namin naisip dun!

After nung ride, lahat nung energy ng sigaw namin, napalitan ng katahimikan. Alam mo yung habang bumababa kami ng octopus yung parang in shock, na kahit andami-daming sinasabi ni Manong na “this is the best ride” at “ito ang hindi niyo makakalimutan” na ganun eh sa imagination nalang namin siya pwedeng hambalusin sa mukha kasi parang nawalan kami ng diwa. Naiwan ata yung kaluluwa namin sa itaas! Super ganito lang yung mukha namin after:

image

As in slowmo na kmi naglakad palabas, wala nang usap2, walang tawa tawa as in wala lahat. Naupo kami saglit para kumalma pero az in tahimik parin! hahahaha. Habang nagrerecover sa pinagdaanan namin, naisipan namin lumafang at baka sakaling maibalik ang nwala naming diwa at kaluluwa sa octopus. Habang nasa kalesa,

image

Isang pic lang yan tapos tahimik ulit. Kwento saglit tapos blank face ulit. Nakakatawa lang yung biglang babalik sa ulirat, tapos mawawala ulit, tapos pag nakabalik ulit magtatawanan, hihinga ng malalim tapos ganun ulit tahimik nanaman. Parang tanga lang eh no?

Sa Mcdo, nakahanap kami ng magandang pwesto. At mala AI judges ang peg namin!

image

Andami ring napagusapan nung gabing yun, mostly about life, career and future plans. Ang sarap lang isipin na kahit hindi masarap at all yung kape, masarap parin yung tawanan.

image

image

image

And just like the old days, kami paring tatlo ang magkakasama. Friends since 2006 and counting. From the severely obese puffy to overweight nalang. chos! to fit na pala!

image

image

From short hair, to long hair, to braces…solid parin. <3

image

image

Alas, natapos narin ang gavu. Nag akyat bahay gang muna kami para maihatid nila akiz pauwi.

image

image

Thanks again for a fun-filled night! Mwuah!

FIN.

<3lots,

A.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s