The beauty of doing nights, then transitioning into days = NGANGA!
It’s already 330H pero tengga, buhay na buhay parin ang diwa ko. I’ve got nothing to do today din naman kundi gumawa ng assignments and requirements so hinayaan ko nalang na guluhin ako nitong pagka mulat ko. Wit nako juminom ng mga pangpaborlog, effort pa eh hahaha.
Nakakatuwa noh? How lots of things race into your mind sa mga ganitong oras. I’m sure there are others out there na relate sa pinagdadaanan ko, so might as well isulat ko nalang tong mga naiisip ko kasi una, borlog na mga katauhan. Pangalawa, nasasayangan ako sa ganda ng ideas at wisdom na naiisip ko na I’m sure mawawaley na pag naitulog ko na. Sayang.
First topic, Valentines.
As some of you may know (naks!) for the longest time (my entire teenage years actually) eh I’ve been in a long distance relationship. So habang aligaga ang madla sa mga dates nila, ako naman sanay na sanay nang matengga lang at lumalafang. Kumbaga, it’s just a normal day for me. Siguro, naaaggravate din ng social media yung kalungkutan ng iba kase world flowers and chocolates and stuffed toys day ang laman ng news feed. Nako. Ano ba ginagawa ko para kiligin ako at makalimutan yung pagiging alone ko before?
1. Pag naiihi ka, delay mo ng onte ang paglabas. Yung tipong feeling na asa mall ka tapos wala kang mahanap na toilet or sobrang haba ng pila abot hanggang third floor. Di naman sa gusto kong magka UTI pero alam mo yun, yung pag nakaihi ka na finally tapos in the end may nginig factor, sabay shake ng ulo na parang kilig na kilig ka. Boom! Pak! Achieve! Hahahah ayan kinilig kana, at all by yourself pa ang drama mo dun ha! Hashtag independent woman.
Disclaimer: pawang mga kabaliwang suggestions lang ito, try on your own risk hahah choz!
2. Palamig ka. Tutok sa fan, aircon or in my case, sa tapat ng ref. Pak! Achieve ulit yung kilig/nginig hahaha
3. Uso dati sa school namin yung may manghaharana sayo in the middle of the class. Honestly, gustong-gusto ko tong i-try pero kinulang ako sa self confidence pero ipaharana mo ang sarili mo. Lalo na yung kung aware ang classmates mo na wala ka namang special someone tapos out of nowhere biglang for you yung dedication. Tapos compose ka pa ng sarili mong message sa sarili mo. At least alam mo na yung mga bet mong marinig di ba? Haluan mo ng konting acting pag anjan na sila, blush to the max. Oo parang desperada moves pero ano bang pakialam nila pera at kaligayahn mo nakasalalay dito. Hahahaha. And ps. Wag mo ikwekwento sa friends mo yung kagagahan mo kasi una, sila ang unang makakasense na charot lang talaga yun and pangalawa, ilalaglag ka nila hahaha. Saka mo na ikwento 5-10years after ng ganap, mas magiging solid ang tawan at ang pagbatok nila sayo pag nalaman nila.
4. Kung marami ka namang anda, pamper yourself! Book for a spa day, magshopping ka! Ako, favorite ko dati mag restaurant hopping. Bibili ako ng wintermelon sa chowking tapos tatawid, bibili ng chicken burger and fries sa mcdo. Konting lakad lakad ulet, bibili ako ng dalawang order ng pork siomai sa siomai house and last stop, sa favorite kong manggahan sa ilalim ng acacia sa tapat ng elementary school. Bibili ako worth 50pesos ng babad sa sukang mangga at 50pesos ng babad sa sukang singkamas. Nanlalaway ako habang tinatype ko to shet. So ang point ko, treat yourself day! Di mo kelangan ng date para ma-feel ang valentines day na yan.
Medyo dinadalaw nako ng antok as of 4am. Siguro ititigil ko narin muna itong tips ko. Hahahaha
Till out next insomnia nights chikahan! Babush!