Blabbermouth

Bank

Bank shift. Break time ko.

Bankera pero in charge ang lola mo. Infairness, namiss ko to. I love taking care and talking to patients. I don’t mind being busy. Mas gusto ko yun actually pero, ginive-up ko ang ward life because a.) stress wasn’t worth it. Laging undestaffed, overworked. Sobrang daming demands na hindi ka na maka keep up.

b.) walang support ang ward from the higher ups. Hingi ka ng rescue, sasabihan kang there’s no other way. You have to cope. No one is coming

c.) politics. Gusto kong ikwento yung buong ganap, pero sabihin nalang natin na, anu’t ano pa man, bansa nila to.

d.) pagod nako makipag away. Ilalaban mo yung staff mo, yung ward mo. Kokontrahin yung mga unnecessary at impertinenteng pinapagawa nung mga bossing.

From these, napunta ako sa sobrang opposite. 8-6 job, weekend off. Panalo ang workmates, mas panalo ang nature of work. Madaming isip isip, mahabang tayuan, mabigat ang trays pero walang hugas pwet na ganap. Walang mapanghi, walang mabaho. Walang sumisigaw, walang nagrereklamo. Uuwi kang fresh at mabango at hindi mainit ang ulo.
Pero alam mo, narealise ko. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na ito ang gagawin ko ng long term. Parang may hinahanap parin ako. Parang may iba parin akong gusto.

Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s