Everlong

“If everything could ever feel this real forever”

Sa mga ka-probinsyana life ko jan, I’m sure you know na being so far away from kabihasnan (siyet damang dama ko yung pagka arte ng pa-conyong taglish na statement kong to), one of the disadvantages is missing out on events like mga concert ganern. As much as I love music and seing my idols perform live, di afford ng kakarampot na sahod ko bilang nurse yung luxury of traveling to Manila then siyempre anjan pa yung bibili ka ng gen ad ticket, accomodation na kaakibat ng pag push ko sa mga ganap. Siguro the only band na talagang feeling ko that time na worth it dayuhin was Incubus and then di na nasundan. Wala na sa budget lol. So when I started working here at medyo sapat naman yung kita, I promised myself na I will try to spend more on experiences over material things and that includes getting to see my music heroes live.

I clung to music for more alalay growing up. I had all these emotions and teenage rage and challenging times where music was my way of release. Whenever I felt angry at gustong magwala, rock music lang ang kasagutan. Yung ingay na tawag nila mamshie, binibigyan ako ng clarity. One of those bands that made a huge impact in my life – Foo Fighters.

Alam kong iniisip mo na ang haba na ng intro ko beh at gusto mo nang sabihin just get straight to the point. Hahaha. So yun nga, basically and gusto ko lang naman ikwento is hubby and I went to watch Foo Fighters last night and up to now, naiiyak padin ako dahil I never thought na this dream of mine (pwedeng simple, pwedeng mababaw sa iba) has finally came true. Di ko na ikwe kwento kung pano nila ako nainspire or natulungan kasi that would take forever. Pero sobrang nakakatuwa lang talaga at nakakataba ng puso na ito na yung moment na inaantay ko. Perfect si everlong. Life is good.

Gaya ng caption ko sa instagram (copy paste na kasi 2:30am na ngayon sinusulat ko to so natatamad na ang lola nyo bigla): I was just dreaming of this before and it finally happened. 3 f*cking solid hours of pure genius! Epic epic epic and by far, my best concert experience eveeeeerrrr! Literal goosebumps on every single song. And the crowd was just as incredible!”

I feel like in this lifetime, I’m lucky to have seen one of the greatest rock band of all time. Ang galing lang talaga nila promise cross my heart hope to die stick a needle in my eye. Alam mo yung nagstanding ovation yung mga balahibo ko at naki cooperate yung appetite ko kasi nawalan ako ng gana lumafang sa excitement. Nanganib pa nga kameng di makapunta dahil sa tickets pero buti naipush parin kahit papano. And, sorry mother Beyonce pero sila ang may hawak ng trono ng best concert (for now).

I’m so happy din kasi I get to share this special moment with my concert buddy. Nasaksihan niya kung pano ako nakrung krung levels during the concert di nako magtataka kung iwan niya ako bigla. Charot!

Time check: 2:50. Tatapusin ko na itong magulong fan mode blog ko with this line from one of my favourite Foo song:

“Hindi hawak ng bituin ang iyong kapalaran, gabay lamang sila. Meron tayong freewill, gamitin natin ito”

Okay mali. Seriously, ito na pala yun:

It’s times like these you learn to live again

It’s times like these you give and give again

It’s times like these you learn to love again

It’s times like these time and time again

PS. Here’s the Setlist!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s