One of the longest 6 weeks of my life, pero in the end, nga-nga padin. I miss home, at kung gaano kaaffordable magpa hupa ng stress. Yung after a stressful day at work, dederecho nako sa Lyf Center (existing pa kaya yung shop?) sa may San Gabriel to get a 250 pesos combi massage for 1 hour. Pag nasa ulirat pa, sasakay ng tricy ulit papuntang centro sabay bili sa suki kong manggahan/singkamasan then bili ng wintermelon milk tea or zagu black forest grande. Then punta sa paradahan pauwing Caggay for 10 pesos. Kahit overwhelmed at pagod, laban padin kasi pagkain at masahe lang napakalaking tulong na. Bat ba kasi ang hirap tumanda at maghanap buhay anez?
Pero sana naging mas realistic and practical sila sa school ano? I think kaya mas nakakapagod mag adulting kasi none of us has a clue how to do this shit. I mean no one can decode everything but it would’ve been more helpful if na-include sa syllabus about paying your taxes, investing in life insurance, getting a loan, managing stress, how to love your work/colleagues, anong mabangong fabcon, ilang thread count yung masarap higaan at higit sa lahat, pano maging patient at hindi sumabog pag nagkasabay sabay lahat ng ganap. Swerte ng ibang may available guidance. Mahalaga pala talaga yung mga payo ng taong nagdaan na sa mga stages. Pero pano nalang yung mga sinosolo lahat dba? Paano na?
Hay.