Lamyerda Diaries

Lamyerda Diaries: Level up in Amstie

“Balang araw, magtatravel tayo. Yung tipong, uy magkita naman tayo sa Europe para magkape; or overnight naman tayo sa USA para mag grocery. One day, antay lang tayo.”

Dati, pangarap lang namen ito. Yung levels lang namin is pang A.S.E.A.N. Tours lang hahahaha ( Alcala, Solana, Enrile, Aparri, Namabballan). A really wild dream we never thought would come true. Kasi nga naman, paano? Parang impossible. Parang malabo. Paano maaachieve? Pero, kaya pala. Sipag, tyaga, tiwala – we made it happen! It may have taken a decade, we may be incomplete (for now) but ACHIEVE!!! Finally, di na po ito drawing, totoo na talaga mga veh! And the chosen becky destination: Amsterdam!

This was more or less just a weekend trip to celebrate our dear Janus’ big 30. Also our chance to bond na din since it’s been a while since lumarga ang mga tita.

Nag antayan nalang ang mga tita sa Schipol Airport. From there, you can buy day tickets which is for unlimited transportation within Amsterdam + return tickets to Schipol Airport (outside the city). This is perfect for when you are aiming to explore the whole city and if medyo tamadchi kang mag alay lakad. If masipag ka naman maglakad, no need to get the day tickets. They now do contactless payments or just get as needed tickets from the vending machine.

We wanted to stay in the heart of the city so we looked for hotels right in the middle of the red light disctrict. We did find an affordable b&b however if you’re a picky traveler, waley siya! It’s good enough to sleep in pag pagoda tragedy na but it’s not the best. Also, dinig mo din yung ingay and langhap mo din yung mga ganap sa labas so if you want to really relax, medyo layo ka ng beri light. The good thing though, paglabas mo, anjan na agad ang mga pasabog! Kulang nalang mapagkamalan ka ring babae sa bintana.

Super chill lang talaga ng weekend na itey. No plans. No itineraries. Super scrung lang wherever tapos sabay lafang on the side. Siyempre as part of the city adventure, I let them try everything. Lol. As in EVERYTHING! Pati yung pagnood ng mga pa-rated SPG ni Mayor pinatulan para avail!

For the birthday dinner, ang Lola Anut natin nagpa lafang ng bongga! Japanese buffet at Shabu-Shabu which is in the Rembrandtplein area. Guysh, super panalo siya especially if betchikolah nyo talaga maging haponesa. I tried to capture the moment kaso, food is life! Isa lang ang na document ko.

At nakaka shala din na sa ipad ka lang oorder tapos after ilang minutes, anjan na ang mga paandar! Umabot sa point na kinain na ng sistema si sis Khie at super pindot ng kung anek anek and ang ending, dalawang bandehadang sushi ang sinerve. Di namin kinaya mga besh. Buti may pinay na kinunchaba para makalusot.

Unfortunately, na-confirm din namin na wala talagang blue light district for the merlats and mamshies. Anyway, busog parin naman ang mga mata sa dami ng sightings. Also, busog din sa food!

For the windmills, you have to go outside of the city which also means di siya sakop ng day pass ticket. On my previous visit, we took the train which costs €6 return pero there’s a long walk from the station to the place. This time, we tried the bus which was €11 but it will stop right outside the Zaanse Schanse museum so no more haggardo na!

Lastly, di macocomplete ang aurahan without a random trip or lss! If before kantahan, this time sayawan naman! Dati nung college, we really love to dance- mapa sa bahay, kanto, club, kalye kahit saan wapakels lang. Siyempre before, malalambog pa ang mga shutawan pero this time, tita levels na so bear with us dahil nangalawang na! Anyway, ito na po ang gist ng aming weekend escapade with a mix of our level up lss. Enjoy!

Standard